Thursday, August 30, 2012

Tiklop


Dumating ako sa gym bandang 7PM. Bago pa man ako umakyat sa 3rd floor kung nasaan ang gym, nakita ko na ang motor ni crush. Pangalanan natin siyang C. Si C ay guwapo. Matangkad. Moreno. Mukha siyang Marc Nelson sa paningin ko. Parang may pagkabanlag pero bagay sa kanya.

Mahilig sa basketball si C. Nakilala ko siya sa dating gym. Nagreachout na ako sa kanya through FB pero deadma. Lalake ka siya. Pamilyado. 

Ayun nga. 5:30 PM pa lang daw ay nasa gym na siya.   For sure matatagalan siya sa pagwoworkout. Hindi ako komportable na magworkout kasama siya. Nacoconscious ako. Tumitiklop ako. Basta paranoid.

Hinintay ko muna na matapos siya bago ako nag-chest program. Haist! Ang guwapo niya.

8PM na ako nakapagsimula at natapos ng 9:35. 

Chest, biceps, triceps. Yun!


Joseph Marco on Cosmo Top 10

Isa rin sa ultimate crushes ko si Joseph Marco.

Bili na tayo ng Cosmo's September 2012 issue nang makilala na rin natin ang iba pang 69 hunks na pasok sa banga.

Ang Cosmo Bachelor Bash 2012 ay gaganapin sa September 18.

Cover ng Cosmo si Paulo Avelino

Tagahanga ako ni Paulo Avelino kaya masaya ako na siya ang nasa cover ng Cosmo men 69 ng Cosmopolitan Magazine. Ang yummy ni Papa Pau =)

Pasok din sa top 10 sina Mikael Daez, Markki Stroem, John Spainhour,  John James Uy,

Semerad Twins (Anthony and David Semerad), Ian Batherson, Alden Richards, JM De Guzman
at Joseph Marco.

Wednesday, August 29, 2012

Sa Jeep

May nakasabay akong pasahero sa jeep kagabi. Sumakay ako galing Libertad. Siya naman ay sa Vito Cruz. Pagkaabot pa lang  ng bayad ay tinitigan na niya ako. Binalikan ko rin siya ng tingin. Ng sulyap. Paulit-ulit. Pabalik-balik.

Magkasunod kaming bumaba ng jeep sa bandang Pedro Gil, tapat ng 7-11. Umuulan. Dumiretso siya sa bilihan ng yosi. Ako naman ay tumambay sa labas ng store. Chinecheck niya ang cellphone niya. Ako naman, kunwari may hinihintay. Hanggang sa magpang-abot muli ang aming mga mata.

Inapproached niya ako. Nag-usap na kami. Kahit anong pwedeng itanong tinanong ko na. Estudyante siya. Graduating sa La Salle. Ilang minuto pa ang lumipas. Mga 10 hanggang 15 minuto. 

Tinanong ko siya.

"May gagawin ka ba? Nagmamadali ka bang umuwi?"

"Hindi naman," sabi niya.

"Gusto mo mag-check-in?" nahihiya kong tanong.

"Hindi ako ganong klase eh," sagot niya.

Parang napahiya naman ako. Humingi ako nang paumanhin.

Inabot ko sa kanya ang aking mahiwagang calling card.

Kinamayan ko siya at sinabing mauna na ako.

"Wait ko text mo ah!"

"Sige".

TO BE CONTINUED

Tuesday, August 28, 2012

Bagong Blog

Aaminin ko. May dalawa na akong blogs. Isang personal, at isang sosyalin ang dating. Ang pangatlong blog na ito ang aking magiging kaluluwa. Lahat ng emosyon ko, dito ko ipadarama. Lahat ng gusto kong sabihin, dito ninyo mababasa.

Ka-TITIK-an. Mukhang bastos. Pero sa totoo lang, ang katitikan ay tagalog na salita para sa minutes. Minutes of the meeting. Kuha mo?

Samahan po ninyo sa aking paglalakbay. Mababasa sa blog na ito ang aking katangahan, kagagahan, kabaklaan at pagiging mapamaraan.  Ang aking pagiging stalker at timawa ng kalaswaan (pero may censorship pa rin naman, hehehe).

Higit sa lahat, masusubaybayan dito ang aking love life. Makikilala ninyo ang aking mga crush, pati na rin mga idolo sa buhay.

Hanggang sa muli.