Aaminin ko. May dalawa na akong blogs. Isang personal, at isang sosyalin ang dating. Ang pangatlong blog na ito ang aking magiging kaluluwa. Lahat ng emosyon ko, dito ko ipadarama. Lahat ng gusto kong sabihin, dito ninyo mababasa.
Ka-TITIK-an. Mukhang bastos. Pero sa totoo lang, ang katitikan ay tagalog na salita para sa minutes. Minutes of the meeting. Kuha mo?
Samahan po ninyo sa aking paglalakbay. Mababasa sa blog na ito ang aking katangahan, kagagahan, kabaklaan at pagiging mapamaraan. Ang aking pagiging stalker at timawa ng kalaswaan (pero may censorship pa rin naman, hehehe).
Higit sa lahat, masusubaybayan dito ang aking love life. Makikilala ninyo ang aking mga crush, pati na rin mga idolo sa buhay.
Hanggang sa muli.
No comments:
Post a Comment